PNP Inalala ang kabayanihan ng 44 na SAF commandos na nasawi sa operasyon laban sa international terorrist sa Mamasapano Maguindano

Muling inalala ng Philippine National Police (PNP) ang ginawang katapangan at kabayanihan ng 44 na Special Action Force Commandos ngayong araw bilang paggunita sa ika 5 anibersaryo ng pagkamatay ng mga ito.

Ayon PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, hindi nakakalimutan ng PNP ang ginawang pagbuwis ng buhay ng 44 na SAF Commandos para lamang mapatay ang most wanted international terrorisr na si Zulkifli Bin Hir alyas Marwan noong January 2015.

Sinabi ni Gamboa magsisilbing inspirasyon sa mga pulis ang mga ginawang kabayanihan ng 44 SAF Commandos para mas gampanan ang kanilang sinumpaang misyon na protektahan ang taumbayan sa pmamagitan ng mas maigting na police operation kontra krimen at iligal na droga.


Mensahe pa ni Gamboa sa pamilya ng 44 na SAF kasama nila ang PNP sa patuloy na nalulungkot sa pagkawala ng 44 na SAF pero mananatili aniya ang alaalang nagawa para sa PNP at sa bayan.

Facebook Comments