PNP, ipinauubaya na sa DOJ ang pag-iimbestiga sa ilang SAF members na umano’y sangkot na sa bentahan ng iligal na droga sa Bilibid

Manila, Philippines – Ipinauubaya na nang Philippine National Police sa Dept. of justice ang pagsasagawa ng imbestigasyon.

Ito ay matapos na aminin ni DOJ Sec. Vitaliano Aguirre na nanumbalik ang bentahan ng iligal na droga sa loob ng New Bilibid Prison kung saan sangkot na umano rito ang ilang tauhan ng PNP Special action Force o SAF.

Ayon kay PNP Spokesperson chief supt Dionardo Carlos hahayaan nilang lumabas ang katotohanan sa pamamagitan ng imbestigasyong ginagawa ngayon ng DOJ laban sa kanilang mga tauhan.


Matatandaang nang nakalipas na taon idineploy sa bilibid ang 300 SAF contingents upang tulungan ang mga jail officers sa pagpapatigil ng drugs transanctions sa New Bilibid Prison.

Sinasabing ang pagiging familiar ng ilang SAF members sa mga inmates ang dahilan kaya maging ang mga pulis na ito ay umanoy kasama na rin sa bentahan ng droga sa NBP.

Facebook Comments