𝗣𝟭 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬 𝗕𝗔𝗦𝗞𝗘𝗧𝗕𝗔𝗟𝗟 𝗧𝗘𝗔𝗠

Cauayan City – Tumataginting sa isang milyong piso ang natanggap ng Cauayan City Basketball Team sa katatapos lamang na basketball league championship.

Tinanghal bilang Champion sa 1st JC DY Inter Town Basketball League ang Cauayan Basketball Team matapos nilang matalo ang San Mateo Basketball Team.

Dahil sa karangalang ibinigay ng koponan sa lungsod ng Cauayan, muli silang binigyang parangal ni Hon. Mayor Jaycee Dy.


Ayon kay Mayor Jaycee Dy, sa susunod na inter town basketball league ay umaasa siyang muling made-depensahan ng lungsod ang kanilang titulo bilang kampyon.

Facebook Comments