Friday, February 13, 2026

PNP, itinanggi ang paratang patungkol sa pag-torture umano sa isa sa mga suspek sa pagpatay sa pulis na nilagay sa septic tank sa Bulacan

Itinanggi ng Philippine National Police (PNP) ang paratang patungkol sa pag-torture umano sa isa sa mga suspek sa pagpatay sa pulis na nilagay sa septic tank sa Bulacan.

Ang nasabing paratang ay nagmula sa peryodistang si Orlan Mauricio, na ama ng nasabing umano’y tinorture na suspek.

Nabatid na isa rin sa mga pinaghahanap ng mga otoridad sa ngayon ang nasabing peryodista dahil sa pagkakasangkot nya sa nasabing kaso.

Hamon naman ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr. , na kung may ebidensyang maipakita kaugnay ng pagtorture ay kasuhan lamang sila.

Sa ngayon apat pa na suspek ang pinaghahanap kasama ang nasabing peryodista.

Facebook Comments