PNP, kinondena ang pamamaslang sa dating alkalde ng Lamitan, Basilan

Mariing kinokondena ng Pambansang Pulisya ang nangyaring pamamaril kahapon sa may Ateneo de Manila University sa lungsod ng Quezon kung saan 3 indibidwal ang nasawi.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Brig. General Roderick Augustus Alba, ang naturang insidente ay hindi sumasalamin sa kabuuang peace and order situation sa bansa.

Sinabi pa ni Alba na agad na rumesponde sa krimen ang mga tauhan ng Pambansang Pulisya dahilan para maaresto ang lone gun man.


Sa ngayon, inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

Kasunod nito, tiniyak ni PNP OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., na pangungunahan ng PNP ang imbestigasyon at seguridad partikular na sa lungsod ng Quezon lalo na ngayong unang SONA ni PBBM.

Sa nasabing insidente, nasawi matapos pagbabarilin si dating Lamitan City, Basilan Mayor Rose Furigay at 2 iba pa.

Facebook Comments