3 katao, naaresto sa isang hotel sa Zamboanga dahil sa Ilegal na Droga

47

Arestado ang 3 lalake makaraang mahulihan ng ilegal na droga sa isang hotel sa Cawa-Cawa, Zamboanga City.

Kinilala ang 3 suspek na sina Kenneth Tan Pang, Junior Usman Kirang at Bensal Jimenez Paradji na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Brgy. San Jose.

Nakumpiska sa mga ito ang shabu na may street value na P680k.


Ayon kay Philippine National Police (PNP) OIC Lt. Gen. Vicente Danao Jr., inihahanda na ang kasong isasampa laban sa mga suspek partikular na ang Republic Act 9165.

Facebook Comments