PNP, kinumpirma na ang negosyanteng si Anton Tan at kanyang driver ang natagpuang patay sa Rizal

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo na narekober na ang mga labi ng dalawang kidnap victims na sina Anton Tan at kanyang driver na si Armanie Pabillo sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay Fajardo, huling nakitang buhay ang negosyanteng si Tan noong March 29, 2025 alas-dos ng hapon nang umalis sa kanyang opisina sa Valenzuela City.

Kinabukasan, March 30, 2025 ini-report ng pamilya nitong nawawala ang negosyante sa Philippine National Police – Anti Kidnapping Group (PNP-AKG) at doon na pinagana ang Anti-kidnapping Action Team.


Sa ngayon, inaalam na ng pulisya kung kidnapping ang motibo sa krimen dahil madalas aniya kapag kidnapping ang kaso at nakapagbigay na ng ransom money ang kaanak ng biktima ay agad itong pinapalaya taliwas sa nangyari sa negosyanteng si Tan.

Facebook Comments