BI, nagbabala sa mga foreign national na huwag makialam sa isyu ng politika sa Pilipinas

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang nasa Pilipinas na huwag makilahok sa anumang aktibidad na may kinalaman sa usapin ng politika sa bansa.

Sa ginanap na Meet the Manila Press forum, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na hindi pinapayagan na makisali sa anumang political acitivity at rally sa bansa ang mga dayuhan.

Kahit pa ito man ay pro o anti-government rallies, hindi maaaring politika ang mga foreign national.

Dagdag pa ni Sandoval, dapat sundin ng mga dayuhan ang mga batas ng Pilipinas kung saan maaari silang mapatawan ng parusa kung lalabag sila rito lalo na ngayong panahon ng kampanya.

Giit pa ni Sandoval na dapat igalang ng mga dayuhan ang bawat Pilipino habang nananatili sa bansa at umiwas sa pakikilahok sa mga isyu ng politika kahit pa sinasabing inimbita lamang sila sa aktibidad.

Facebook Comments