LTO, magsasagawa na ng pag-iinspeksyon sa mga bus terminal ngayong papalapit na ang Semana Santa

Inilarga na ng Land Transportation Office – National Capital Region ang ‘Oplan Semana Santa’ upang matiyak ang maayos na biyahe sa susunod na linggo.

Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Rox Versoza III, kabilang sa mga tututukan ay ang mga bus terminal at pagpapatupad ng traffic enforcement.

Paliwanag pa ni Versoza na magsasagawa sila ng mga inspeksyon sa mga bus terminal upang matiyak na paglalakbay ng mga pasahero sa Semana Santa.

Kabilang sa mga titingnan ay ang pagiging road worthy at compliant ng mga pampublikong sasakyan sa mga safety standards.

Magkakaroon din ng operasyon sa mga kalsada ang mga tauhan ng Law Enforcement Unit ng LTO-NCR.

Titiyakin aniya nila na walang mga overloading, speeding at paggamit ng mga hindi rehistradong mga sasakyan.

Samantala, inatasan na rin ni LTO Chief Asec. Vigor Mendoza ang lahat ng mga Regional Director na ilatag ang lahat ng aktibidad para sa Semana Santa.

Ito ay lalo pa’t milyon-milyong mga pasahero ang maglalakbay at mag sisipag uwian para sa Holy Week.

Facebook Comments