PNP, kumpiyansang maibabalik ang tiwala ng publiko sa mga pulis

80

Kumpiyansa ang Philippine National Police (PNP) na maibabalik muli ang tiwala ng publiko sa mga pulis.

Ito’y sa gitna ng kontrobersiya ng ‘ninja cops.’


Ayon kay PNP OIC, Lt/Gen. Archie Francisco Gamboa, uunahin muna nila ang kanilang hanay at kukumbinsihin ang mga Police Personnel na mag-move on na sa kontrobersiya.

Aminado si Gamboa na nakaapekto sa buong hanay ng PNP ang mga alegasyon na bumabalot kay Resign PNP Chief Oscar Albayalde.

Hinihintay nila ang deliberation ng Senate Blue Ribbon Committee sa isyu ng ninja cops.

Ire-review nila ang findings ng Senate para malaman kung paano mapagbubuti ng PNP ang kanilang kampanya kontra ilegal na droga at matiyak na hindi na maulit ang mga ganitong problema.

Facebook Comments

From Advertisers