PNP Luna, Puspusang Tinututukan ang Kampanya Kontra Iligal Na Droga!

Luna, Isabela- Patuloy parin ang ginagawang pagtutok ng PNP Luna sa mga Tokhang responders sa kanilang bayan upang matiyak na hindi na umano bumalik ang mga ito sa dati nilang gawain.

Ito ang masayang ibinahagi ni SPO3 Robin Apaga ang Police Community Relation Officer ng PNP Luna sa progranang Sentro Serbisyo ng RMN Cauayan.

Aniya, tuloy-tuloy umano ang ginagawa nilang monitoring upang matiyak na wala na umanong bumalik sa pagdodroga mula sa mga sumailalim na ng Community Based Rehabilitation Program (CBRP).


Dagdag pa ni SPO3 Apaga, mula umano sa kabuuang bilang ng 19 barangay sa kanilang bayan ay nasa 101 umano ang kanilang naitalang tokhang responders at 87 dito ay nakapagtapos na ng CBRP at may apat pang nakatakdang sumailalim habang ang nalalabing bilang ay wala na umano sa kanilang bayan.

Ayon pa sa kanya ay mayroon na umanong dalawang barangay ang idineklarang drug cleared at kabilang dito ang Brgy. Pulay at Lalug 1 habang idineklara naman bilang Drug cleared ang lima pang barangay sa kanilang nasasakupan kabilang ang Union Kalinga, Lalug2, Conception, San Isidro at Magogay.

Sangayon ay puspusan parin ang kanilang close monitoring upang makatiyak na wala ng bumalik at masigurong wala ng mabiktima ng Iligal na droga sa kanilang bayan.

Facebook Comments