PNP, magpapatupad na ng full alert status simula Disyembre 15

Ilalagay sa full alert status ang Philippine National Police (PNP) simula sa December 15, Huwebes.

Ayon kay PNP Chief Police General Rodolfo Azurin Jr., gagawin ang pagtataas ng alerto para matiyak ang seguridad ngayong holiday season lalo na at papalipat na ang Simbang Gabi.

192,000 na mga pulis aniya ang ipakakalat ng PNP ngayong panahon ng Kapaskuhan o katumbas ng kanilang 85% na pwersa.


Ipakakalat ang mga pulis sa mga pampubliko at matataong lugar tulad ng mall, parke, paliparan, pantalan at mga bus terminal.

Samantala, nilinaw naman ni Azurin na pwedeng magkaroon ng Christmas break ang mga pulis.

Kanyang namang hinihikayat ang mga pulis na magbabakasyon na mag report sa pinakamalapit na police station para magamit bilang dagdag pwersa kung kinakailangan.

Facebook Comments