Top 6 Most Wanted Person sa Probinsya ng Quirino, Arestado!

72

Cauayan City, Isabela- Arestado ang itinuturing na Top 6 Most Wanted Person sa probinsya ng Quirino ng pinagsanib na puwersa ng kapulisan sa Brgy. Gulac, Diffun, Quirino.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan kay P/Maj.Ricardo Salada, Quirino Provincial Intelligence Branch (QPIB), ang akusado ay nakilalang si Michael Micol, 40-anyos, may-asawa, magsasaka at residente ng Brgy. Gulac, Diffun, Quirino.

Siya ay inaresto ng pinagsanib na pwersa ng Regional Intelligence Unit 2 (RIU2), Quirino Provincial Intelligence Branch (QPIB) at PNP Diffun sa bisa ng alias order of arrest ni Micol na ipinalabas ni Hukom Eufren F Changale, ng RTC Br. 32, Cabarroguis, Quirino dahil sa kasong arson na may criminal case # 3459.

Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Ang suspek ay agad na isinailalim sa medical examination bago dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.

Facebook Comments