PCG at PNP, nagpulong para sa paghahanda ng BSKE

Nagkaroon ng pagpupulong ang Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police (PNP) para sa paghahanda sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

Sa pagpupulong, inilatag ng PNP at PCG ang mga gagawing paghahanda sa magaganap na halalan, kung saan natalakay rin ang mga paraan para palakasin ang seguridad sa BSKE 2023.

Mahalaga ang papel ng dalawang ahensya na kapwa direktang tumututok sa kaligtas at seguridad ng publiko.


Pinangunahan ni PCG Commandant Admiral Artemio Abu at PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang pulong sa headquarters ng PCG sa Port Area, Manila.

Facebook Comments