PNP, MAHIGPIT UMANONG TUTUTUKAN ANG NALALAPIT NA BARANGAY SK ELECTIONS

Sa opisyal na pag-anunsyo ng COMELEC sa nalalapit na Barangay SK Elections ngayong taon at maging pagpapatupad ng gun ban para rito, mahigpit umanong tututukan rin ang naturang kampanya ng mga hanay ng kapulisan sa pangunguna ni PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr.
Sa panayam kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda kamakailang dumalaw ito sa Dagupan City matapos maimbitahan sa isang commencement exercises ng isang paaralan, sinabi nitong nakapaghanda na ang kanilang hanay para sa nalalapit na Barangay SK Elections mula sa scheduling hanggang sa gun ban at pati na rin kanilang security probations.
Mag pinaigting pa umano ng kanilang hanay ang pagbabawal sa mga firearms sa oras na magsimula na ang pangangampanya para sa Barangay SK elections at inanyayahan nito ang publiko na para sa pagpapatibay nito ay kailangan ng kanilang kooperasyon.

Kung meron man lumabag sa naturang gun ban ay huwag umanong mag atubili na mag report para mabigyan ito ng aksyon.
Kinumpirma rin ng PNP Chief ang ukol sa programang kanilang inilunsad para sa proteksyon ng mga broadcasters at journalists sa bansa. |ifmnews
Facebook Comments