Friday, April 10, 2026

PNP, makikipag-ugnayan sa DSWD kaugnay ng posibleng pagkapuno ng mga youth shelter sa gitna ng mahigpit na pagpapatupad ng curfew sa Metro Manila

Nakikipag-ugnayan na ang Philippine National Police (PNP) sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maiwasan ang posibleng siksikan sa mga youth shelter sa gitna ng mahigpit na pagpapatupad ng curfew alinsunod sa Safer Cities Iniatives.

Ito ay matapos magpahayag ng pagkabahala ang ilang grupo sa posibleng pagsisikip ng mga lokal na pasilidad ng Bahay Pag-asa kung maraming kabataan ang masasagip sa loob lamang ng isang gabi.

Kamakailan ay hinimok ng Children’s Legal Rights and Development Center (CLRDC) ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na muling pag-isipan ang nasabing curfew sa mga menor de edad at sinabing maaari itong humantong sa mga arbitraryong pag-aresto at pang-aabuso sa mga batang nasa panganib.

Nilinaw naman ni PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., na ang curfew ay isang preemptive shield na naglalayon na proteksyunan ang mga menor de edad sa pang-aabuso ng mga sindikato at sa iba pang uri ng kriminalidad at hindi ito paraan ng pagpaparusa sa kanila.

Dagdag pa niya, ang isang bata ay dapat nasa loob ng bahay, nag-aaral o natutulog, at hindi gumagawa ng karahasan.

Facebook Comments