Makikipag pulong ang pamunuan ng Philippine National Police ng Rehiyon Dos sa mga Muslim communities at organisayon sa Cagayan Valley para magkaroon ng ugnayan ang PNP sa mga Maranao migrants na kasalukuyan nang nakatira dito sa lambak ng Cagayan.
Ito ang ipinahayag ni Philippine National Police Region 2 Director P/CSup Robert Quenery sa isinagawang 2nd Quarter Regional Peace and Order Council (RPOC) meeting na ginanap sa kapitolyo ng Isabela ngayong Hunyo 27, 2017. Nakalap ito na impormasyon ng RMN Cauayan News Team ng DWKD 98.5 – RMN Cauayan sa pagdalo nito sa naturang pulong.
Nag ugat ang pahayag sa pangamba na magpapakupkop ang mga masasamang elemento galing sa Timog ng bahagi ng bansa sa mga Muslim communities na pinili nang mamalagi sa Isabela at Cagayan.
Sa naturan ding pulong ay sinabi ni Ginoong Ismael Atienza, ang pinuno ng Isabela Volunteer’s Against Crime na may kasalukuyan nang ugnayan ang Muslim Federation of Isabela, PNP at ng kanilang grupo para sa pagpapalaganap sa peace and order.
Pahapyaw na tinalakay sa 2nd Quarter RPOC Meeting ang agam agam na posibleng tatakbo dito sa Rehiyon Dos ang mga ilang elemento na kasama sa mga naghahasik ng gulo sa Marawi City dahil sa patuloy na pagtugis sa kanila ng mga otoridad sa naturang lugar.
PNP, Makikipag Ugnayan sa Muslim Federation ng Isabela
Facebook Comments