Inatasan na ng Philippine National Police ang kanilang mga tauhan na makipagtulungan sa Department of Health para maiwasan ang pagkakaiba ng mga datos sa firecracker-related injuries.
Ayon kay PNP Chief General Dionardo Carlos, may ilang pagkakataon kasi na hindi na inirereport sa kanila ng mga biktima ng paputok ang minor injuries pero isinasama naman ng mga ospital at DOH sa kanilang listahan.
Aniya, mahalaga ang tamang bilang para malaman kung tagumpay ang kanilang kampanya para sa ligtas at maayos na pagdiriwang ng bagong taon.
Suportado rin ng PNP ang pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año na trabaho ng mga pulis na ipatupad ang batas sa paggamit ng mga paputok.
Facebook Comments