Inihayag ng Philippine National Police (PNP) na may mga personalidad na silang natukoy na sangkot sa umano’y pagbebenta ng COVID-19 vaccination slots sa ilang lungsod sa Metro Manila.
Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PNP Spokesperson Police Brigadier General Ronaldo Olay na isinasagawa na ngayon ang imbestigasyon sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Pero ayon kay Olay, sa ngayon ay hindi pa ito pwedeng pangalanan upang hindi maantala ang imbestigasyon.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay kumalat sa social media ang umano’y bentahan ng vaccination slots na umaabot sa ₱8,000 hanggang ₱12,000 bawat isa ang presyo.
Facebook Comments