K-Pop group na BTS, nanalo ng Top Social Artist sa 2021 Billboard Music Awards

38

Nagwagi ang K-Pop group na BTS sa Top Social Artist category sa Billboard Music Awards.

Matatandaang kabilang sa mga nominado dito ang Pinoy group na SB19, international star na si Ariana Grande, at iba pang K-Pop groups tulad ng Blackpink at Seventeen.


Kasunod nito, nag-trending naman sa Twitter ang “Congratulations BTS”, “Top Social Artist” at “BBMAs.”

Samantala, nagpasalamat sina RM, Jin, Suga, J-Hope, Jimin, V at Jungkook sa fans na walang sawang sumuporta sa pamamagitan ng pagboto sa kanila.

Una nang nanalo ng Top Duo/Group at Top Social Artist ang BTS nitong nakaraang taon.

Facebook Comments