May paalala ang Philippine National Police (PNP), sa mga kabataang mahilig pumarty lalo na ngayong summer vacation.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, kung aattend ng mga party wag iiwan nalang basta ang iniinom dahil posible itong lagyan ng drugs.
Ani Fajardo, sadyang delikado ang ganitong modus dahil posibleng maging biktima ng rape o iba pang krimen.
Kasunod nito, mas paiigtingin ng PNP ang kanilang intelligence gathering laban sa mga party drugs kung saan sa oras na magpositibo ang kanilang impormasyon ay magkakasa sila ng operasyon upang mapanagot ang mga nasa likod ng pagpapakalat nito.
Paliwanag pa ng opisyal, bahagi ng kanilang Oplan Summer Vacation (OSV) ang pagmomonitor sa mga tourist destinations maging sa mga bar dahil mayroon silang impormasyon na may nagpapakalat ng mga party drugs.