Manila LGU, hinihikayat ang mga job seekers na makiisa sa gaganaping Kalinga sa Maynila PESO Job Fair

Hinihikayat ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga naghahanap ng trabaho na magtungo sa isasagawang Kalinga sa Maynila PESO Job Fair, bukas May 10, 2023.

Aabot sa halos 2,500 job vacancies ang iaalok sa nasabing job fair, kung saan iba’t ibang kompanya ang inimbitahan.

Bukod sa job fair, may iba pang serbisyong iaalok ang Manila LGU para sa mga residente nito at one-stop-shop para mga maha-hired on the spot na aplikante.


Ang job fair ay bukas para sa high school graduates, college level, college at tech/voc graduates.

Sisimulan ito sa ganap na alas-8:00 ng umaga hanggang alas-12:00 ng tanghali sa P. Guevarra St., kanto Malabon St. sa Barangay 341, Sta. Cruz, Manila.

Pinapayuhan ang lahat ng mga aplikante na magsuot ng casual attire, magdala ng sampung (10) kopya ng resume, magdala ng sariling ballpen at sumunod sa mga pinaiiral na public health protocols.

Facebook Comments