Ngayong araw ng Pasko kung saan marami ang napamaskuhan lalo na ng mga bata.
Muling nagpaalala ang Philippine National Police (PNP) sa publiko laban sa mga pekeng peso bill.
Ayon kay PNP PIO Chief PCol. Jean Fajardo, karaniwang modus kasi ito ng mga kawatan ngayong panahon ng kapaskuhan.
Aniya, dapat suriing maigi ang safety features ng mga perang papel kabilang na ang watermark at serial number.
Babala ni Fajardo sa sinumang mahuhuling gumagamit ng pekeng pera ay maaaring makulong.
Kaya paalala nito sa publiko na agad idulog sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya kung nabiktima o napasahan ng pekeng pera para agad magawan ng kaukulang aksyon at mahuli ang nasa likod nang pagpapakalat nito.
Facebook Comments