Mga pasaherong gumamit ng NAIA ngayong buwan dahil sa holiday season, tumaas ng 85%

Umabot sa 60,000 ang bilang ng daily arrivals ngayong buwan ng Disyembre.

Sa pagtaya ng Bureau of Immigration (BI), simula noong December 1 ay umabot sa 51,390 ang arrivals o nagmula sa international flights at umabot naman sa 58,993 noong December 23.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, mas mataas sa 85% ang pasahero na gumamit ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).


Ani Tansingco, sapat naman ang kanilang pwersa na naka-deploy sa paliparan.

Samantala, pinayuhan naman ni Tansingco ang mga Pinoy na gumamit ng E-gates para sa mabilis na immigration clearance at mag-register via e-travel portal at etravel.gov.ph.

Sa huli, pinuri ni Tansingco ang Immigration officers na naka-duty kahit pa holiday season.

Facebook Comments