PNP, naghahanda na rin sa epekto ng Super Typhoon Henry

Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) ang kahandaan ng kanilang hanay sa Super Typhoon Henry at sa isa pang low pressure area (LPA) na kapwa nasa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon kay PNP Chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., inatasan na niya ang mga police regional office na maghanda sa epekto ng sama ng panahon.

Sa katunayan, nakipagpulong na ang PNP chief sa kanyang command group at mga matataas na opisyal ng Pambansang Pulisya.


Bilin nito, mahigpit dapat ang pakikipag-ugnayan ng mga Local Government Unit (LGU) at mga Local Disaster Risk Reduction and Management Office (LDRRMO).

Paalala pa ng opisyal sa kapulisan na ipatupad ang ‘Kaligtasan Niyo, Sagot Ko’ mantra ng PNP na nagagarantiya sa kapulisan bilang mga frontliner sa pagseserbisyo lalo na sa panahon ng kalamidad.

Facebook Comments