Inaasahan na ng Philippine National Police (PNP) ang mas maraming bilang ng mga lumalabag sa quarantine ang kanilang maaarresto matapos ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na hulihin ang mga ito.
Ayon kay bagong PNP Chief General Guillermo Eleazar, wala pa mang direktiba ang Pangulo, may mga pagkakataong kinukulang na talaga ang mga pasilidad na pinaglalagyan ng mga nahuhuli.
Kaya naman, pinatututukan niya na ang problema sa lahat ng police units.
Utos nya sa mga commander, makipagtulungan sa mga lokal na opisyal, kasama ang barangay, upang matukoy kung aling mga lugar sa bawat komunidad ang maaaring gamiting detention facilities para sa mga sadyang pasaway.
Layunin nitong masunod pa rin ang physical distancing sa mga detention area para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.