PNP nahihirapang makahanap ng matibay na ebidensya laban sa mga Narcopoliticians

Aminado Si PNP Chief Police General Oscar Albayalde na hirap silang makakuha ng matibay na ebidensya para tuluyang makasuhan ang mga narcopoliticians.

Ayon kay Albayalde, mahalaga na ma- validate nila ang mga impormasyon laban sa mga narcopoliticians na ngayon ay hawak ng Philippine Drug Enforcement Agency ang listahan.

Wala pa aniya silang concrete evidence laban sa mga narcopoliticians na ito sa halip puro tsismis minsan ang mga testimonial evidence.
Sinabi ni PNP Chief hindi pa nya nakikita ang listahan pero kapag iniutos ng presidente na isapubliko ito ay susuportahan nya ito.


Facebook Comments