
Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police na mag-assist sa posibleng extradition o paglipat ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy sa Estados Unidos.
Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Allen Rae Co, sakali mang may kautusan mula sa korte na i-assist na mailipat at masecure ang pagtungo ni Quiboloy sa airport ay susunduin lamang nila ito.
Nabatid na nag-isyu ang Makati Regional Trial Court ng extradition arrest warrant at hold-departure para kay Quiboloy at sa dalawa nitong kapwa akusado.
Ito ay kaugnay ng reklamong International human trafficking, sex trafficking, conspiracy, at bulk cash smuggling.
Facebook Comments










