PNP, nakapagtala ng higit 230,000 na violators sa NCR

Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 236,764 na lumabag sa health protocols mula noong implementasyon ng Alert Level 4 sa National Capital Region (NCR).

Sa naturang bilang, 9,688 ang bagong naiulat ng awtoridad.

Ayon sa PNP, mula Setyembre 16 hanggang Oktubre 7, aabot sa 10,762 ang average na bilang ng mga violators kada araw kung saan 53% dito ay binalaan, 41% ang namultahan habang 6% ang humarap sa ibang parusa.


Sa ilalim ng Alert Level 4 sa NCR, 30% ang kapasidad sa mga outdoor al fresco, 10% naman sa indoor dine-in services habang nakatakda ang curfew mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng umaga.

Facebook Comments