
Hinamon ng grupong Pamalakaya ang bagong director ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na si Elizer Salilig na manindigan sa Supreme Court at ipaglaban ang pribelehiyong karapatan ng maliliit na mangingisda sa 15-kilometrong municipal waters.
Naniwala ang Pamalakaya na makatutulong ang higit tatlong dekadang karanasan ni Director Salilig sa sektor ng pangisdaan upang makita ang kakaharaping mga suliranin ng mga mangingisda sa pagpahintulot sa mga commercial fishing vessel na makapangisda sa municipal waters.
Nagbanta ang iba’t ibang grupo ng mga mangingisda na maglulunsad ng mga rally upang igiit sa Department of Agriculture (DA) at BFAR na isaalang alang ang kapakanan ng small scale fishers sa bansa na maagawan ng kabuhayan dahil sa court decision.