Nanawagan ang Philippine National Police (PNP) sa mga militanteng grupo na huwag nang magsagawa ng public assembly o mass action bukas kahit pa ipagdiriwang ang Araw ng Paggawa.
Ayon kay PNP Chief General Archie Francisco Gamboa, nirerespeto nila ang anumang mga pagtitipon pero hindi sa mga panahong ito kung saan nakakaranas ng health crisis ang bansa dahil sa COVID-19.
Aniya, strikto nilang ipapatupad ang paghuli sa mga lalabag sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) bukas sakaling may magtangkang gumawa ng anumang kilos protesta.
Ito ay aniya bilang pagprotekta para hindi mahawaan ng COVID-19.
Giit nila Gamboa, hindi magdadalawang isip ang mga pulis na arestuhin, pagmultahin at sampahan ng kaso ang mga lalabag bukas sa ECQ.
Kaugnay nito, nagpasalamat naman si PNP Chief sa mga kapatid na Muslim dahil sa kanilang kooperasyon at adjustments na ginawa sa pag obserba ng Holy month of Ramadan.