Nananawagan sa publiko ang Philippine National Police (PNP) na limitahan lang sa ‘family bubble’ o sa pamilya ang pagdiriwang ngayon ng Pasko.
Ito ay kung hindi maiiwasan ang malakihang pagtitipon at bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.
Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, pinaiiwas nila ang mga tao sa tradisyunal na pagtitipon tulad ng Christmas party, family reunion, get-together ng mga magkakaibigan at iba pa.
Pero kung hindi maiiwasan, ipinayo ni Carlos na bawasan na lamang ang mga pagtitipon sa mga maliliit na pamilya at kaibigang nabakunahan na.
Facebook Comments