PNP, namahagi ng pagkain sa mga pamilyang nasunugan sa Pasig City

Namigay ang Philippine National Police (PNP) ng pagkain sa mga biktima ng sunog na nangyari nitong Miyerkules ng gabi sa Tambakan 2, Tuazon Compound, Brgy. San Miguel sa Pasig City.

Isinagawa ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang distribusyon ng food packs.

106 na pamilya o 429 na indibidwal na pansamantalang nanatili ngayon sa San Miguel Elementary School evacuation ang nakatanggap ng food packs.


Kamakailan lang ay inilunsad ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang Barangayanihan project ng PNP kung saan inatasan niya ang local area commanders na magtatag ng mga food bank para mamahagi ng pagkain sa mga nangangailan sa kanilang nasasakupan.

Facebook Comments