PNP, Nangangailangan ng Karagdagang mga Pulis!

Cauayan City, Isabela – Nangangailangan ngayong taon ng mga karagdagang pulis ang Philippine National Police (PNP).

Ito ang ibinahagi ni Police Lieutenant Colonel Chevalier Iringan, tagapagsalita ng Police Regional Office 2 (PRO2) sa panayam ng 98.5 RMN Cauayan sa kanya.

Aniya, dahil marami na ang nagretiro, nagbitiw sa pwesto at mga natanggal sa serbisyo kaya nangangailangan sila ng karagdagan pang mga tauhan.


Kailangan lamang na mag-aaply ang mga interesadong aplikante sa kanilang PNP Online Recruitment Application System.

Ayon pa kay P/LtCol Iringan, ito ay First come, First serve at onestop shop application.

Hindi na umano kailangang pumila ng mahaba sa kanilang tanggapan.

Dapat nagtapos ng kolehiyo ang mga aplikante at kailangan na mayroon itong Eligibility o kaya ay nakapasa sa Board Examination.

Inaanyayahan ngayon ng nasabing opisyal ang mga interesado at kwalipikadong aplikante na subukan ang kanilang Online Recruitment Application System

Bukas rin umano ang nasabing recruitment sa mga Muslim Communities.

Facebook Comments