MANILA – Iginiit ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na hindi sila nakipag-sabwatan sa pamilya Marcos hinggil sa isinagawang sikretong paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.Kasunod na rin ito ng planong pagsasampa ng kaso ng ilang indibidwal laban sa pambansang pulisya dahil sa pakikipag-sabwatan sa pamilya Marcos.Ayon kay PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa, wala naman silang pakialam sa paghihimlay sa dating Pangulo dahil ginagawa lang nila ang kanilang trabaho na tiyaking mapayapa at maayos ang paglilibing.Pahayag ni Dela Rosa na nag-deploy lamang sila ng mga pulis sa loob at labas ng Libingan ng mga Bayani para ma-secure ang lugar.Nanindigan din si Dela Rosa na ang ibang paghahanda sa paglilibing ay mismong ang pamilya Marcos ang nagdesisyon kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP).
Pnp, Nanindigang Hindi Nakipag-Sabwatan Sa Pamilya Marcos Hinggil Sa Paglilibing Kay Dating Pangulong Ferdinand Marcos
Facebook Comments