Manila, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na ginagamit ng mga sundalo ang mga donasyong armas ng China.
Ayon kay ARMM Deputy Regional Director, P/Supt. Rolando Anduyan – direktang ginagamit ang mga rifle sa pakikipaglaban sa mga natitirang terorista sa Marawi.
Kabilang sa mga natanggap ng Pilipinas ay ang tatlong libong iba’t-ibang klase ng rifles at balang aabot sa anim na milyon.
Unang batch pa lamang ito ng 700 million yuan o 750 million pesos na halaga ng military equipment mula sa China.
Inaasahan ang pangalawang batch na binubuo ng fast boats at RPG sa susunod na buwan.
Sa huling tala ng AFP, mahigit 100 pulis at sundalo na ang nasawi habang nasa higit 500 naman sa panig ng mga terorista sa mahigit dalawang buwang krisis sa Marawi.