Customs Commissioner Nicanor Faeldon, nag-leave na sa trabaho

Manila, Philippines – Nag-leave na sa kanyang trabaho si Customs Commissioner Nicanor Faeldon hanggang Agosto 20.

Ito ay matapos isugod sa Manila East Medical Center sa Taytay, Rizal dahil sa sakit sa puso.

Paliwanag ng attending physician ni Faeldon na si Dr. Arthur Bayani II – nitong Lunes pa na-confine si Faeldon.


Magpapapustiso aniya si Faeldon sa kanyang dentista matapos mabungi noong Lunes pero biglang sumakit ang dibdib nito.

Batay sa pagsusuri, mataas ang kanyang blood pressure at cholesterol at papunta na rin si Faeldon sa pagiging diabetic.

Nilinaw ng kanyang chief of staff na si Atty. Mandy Anderson na kailangan lang magpalakas ni Faeldon.

Aniya, hindi magbibitiw sa pwesto si Faeldon.

Sa ngayon, si Deputy Commissioner Natalio Ecarma III ang tatayong OIC ng Customs habang naka-leave si Faeldon.

Facebook Comments