Matapos na itigil ang giyera ng pamahalaan kontra droga, tututukan naman ngayon ng Philippine National Police ang iba’t ibang krimen sa bansa. Sa press conference sa Camp Crame, sinabi ni PNP Chief Ronald Dela Rosa na bagamat wala silang mga ilulunsad na operasyon, maari naman na rumesponde aniya ang kaniyang mga pulis kung nagaganap ang transaksyon ng ilegal na droga. Giit ni Dela Rosa – mandato pa rin nila na tumugon kung may nagaganap na krimen o naaktuhang pangyayari na may kinalaman sa illegal drugs. Sa ngayon ay focus aniya ng PNP sa kaso ng murder, homicide, theft, robbery, physical injuries, carnapping/motornapping at rape.
Facebook Comments