PNP personnel na namatay dahil sa COVID-19, umabot na sa 60

Nadagdagan pa ang bilang ng nasawing miyembro ng Philippine National Police (PNP) matapos maging infected ng COVID-19.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, isang 48-anyos na non-uniformed personnel na nakatalaga sa Quezon Provincial Police Office ang namatay dahil sa COVID-19.

Sa ulat ng PNP Health Service, May 8, 2021 nang magpositibo sa COVID-19 ang nasawing non-uniformed personnel.


Pero May 6 palang ay tumungo na ito sa Rural Health Unit para magpagamot dahil sa nararanasang lagnat at ubo kaya agad siyang na-confine sa ospital malapit sa rural health unit at isinailalim sa swab test na ang resulta ay positive.

May 11 nang bawian ito ng buhay dahil sa hirap sa paghinga.

Sa ngayon dahil sa pagkamatay ng non-uniformed personnel, umabot na sa kabuuang 60 PNP personnel ang namatay sa COVID simula pa noong Marso nang nakaraang taon.

Habang 21,416 ang confirmed cases, 19,920 recoveries at may 1,436 active cases sa nasabing hanay.

Facebook Comments