Kulturang pinoy, isa sa ipinagmamalaki ng american singer na si H.E.R

18

Ibinahagi ng American singer-song writer na si H.E.R. ang kaniyang mga paborito sa Filipino culture.

Ayon sa international singer, ang kaniyang go-to-song ay ‘Maging Sino Ka Man’ ni Megastar Sharon Cuneta habang paborito rin ng kaniyang Filipina mom si mr. Pure energy, Gary Valenciano.


Dagdag pa ng Grammy at Oscar winner na marunong siyang magluto ng kare-kare at paborito niya ang sinigang.

Pinasalamatan din ni H.E.R. ang kaniyang Pinoy fans at sinabing nais din niya na makipag-collaborate sa iba pang Filipino-American singers.

Facebook Comments