PNP, pinaghahandaan na rin ang BSK Elections

Naghahanda na rin ang Philippine National Police (PNP) sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections sa Oktubre.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief, PBGen. Red Maranan, nakahanda na ang latag ng kanilang seguridad sa tuwing may halalan tulad ng Barangay at SK.

Sa ngayon, mahigpit na binabantayan ng PNP ang mga private armed groups na kadalasang ginagamit tuwing eleksyon para manggulo o maghasik ng takot.


Gayundin ang pagmo-monitor sa loose firearms na kadalasan ding ginagamit ng mga magkakatunggali sa halalan.

Samantala, sa ngayon ay hindi pa naglalabas ang PNP ng mga lugar na kabilang sa hotspots dahil ang Commission on Elections (Comelec) ang siyang tutukoy sa mga ito.

Facebook Comments