PBBM, nagtalaga ng bagong executive director ng Presidential Task Force on Media Security

Nag-appoint si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng bagong executive director ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS).

Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Secretary Cheloy Garafil.

Sa appointment paper na may petsang May 19, 2023, ipinagkakatiwala ni Pangulong Marcos kay dating National Press Club (NPC) President Paul Gutierrez ang posisyon na may ranggong undersecretary.


Papalitan naman ni Gutierrez si Joel Sy Egco.

Ang PTFoMs ay itinatag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte upang proteksyunan ang mga mamamahayag at ibigay ang hustisya sa mga miyembro ng media na walang awang pinatay.

Facebook Comments