PNP San Manuel, Patuloy na Tinututukan ang Iligal na Droga sa Kanilang Bayan!

San Manuel, Isabela- Puspusan ang ginagawang pagtutok ng PNP San Manuel sa kanilang kampanya kontra iligal na droga sa bayan ng San Manuel.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Police Inspector Lorna Baggayan, ang deputy chief of police ng naturang tanggapan sa naging pagdalo nito sa programang sentro serbisyo ng RMN Cauayan.

Aniya mula umano sa labing siyam na barangay sa kanilang bayan ay nasa lima na umano ang naideklarang drug free habang dalawa naman umano ang drug cleared.


Dagdagpa rito ay mayroon umanong 249 na kabuuang tokhang responders ang kusang sumuko sa kanilang himpilan at 227 mula naman dito ay nakapagtapos na din umano ng Community Based Rehabilitation Program habang kasalukuyan naman umanong sumasailalim ang 22 habang ang ilang natitirang bilang ay lumipat na ng ibang tirahan at nagtatrabaho na sa ibang mga lugar.

Sa ngayon ay puspusan din umano ang kanilang pagbisita sa mga paaralan upang magsagawa ng drug symposium at mapaalalahanan ang mga kabataan sa hindi magandang epekto ng droga sa kanilang buhay.

Samantala, sa ngayon ay mapayapa naman umano ang bayan ng San Manuel at wala naman umanong mga mabibigat na insidenteng naitatala rito bukod sa mga Vehicular Incidents.

Facebook Comments