PNP, tiniyak ang kaligtasan ng pamilya ni Catherine Camilon

Siniguro ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., ang kaligtasan ng pamilya ng nawawalang beauty queen na si Catherine Camilon.

Ayon kay Gen. Acorda, patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa local police sa security measure para hindi mag-alala ang pamilya ni Camilon.

Samantala, sinabi naman ni PNP-CIDG Director MGen. Romeo Caramat Jr., nagpapatuloy ang imbestigasyon na isinasagawa nila sa pagkawala ng beauty queen.


Aminado ang opisyal na hirap silang mahanap si Camilon.

Maaalalang batay sa salaysay ng mga testigo na nakuhanan ng pahayag ng CIDG 4A na posibleng patay na si Catherine.

Si Camilon ay iniulat na nawawala noon pang Oktubre ng nakaraang taon.

Facebook Comments