Thursday, February 12, 2026

PNP, tiniyak ang maigting na mga hakbang laban sa pag-usbong ng e-sabong sa bansa

Tiniyak ng Philippine National Police ang maigting na hakbang laban sa pagusbong ng mga operasyon ng ilegal na online sabong o e-sabong sa bansa.

Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., inatasan na nya ang police commanders sa mga syudad at munisipalidad na magbigay ng assistance sa Anti-Cybercrime Group sa pagmo-monitor at pagsasagawa ng intelligence-gathering sa kanilang mga nasasakupan.

Nabatid na banned ang e-sabong sa bansa ngunit patuloy ang pagmomonitor ng pulisya sa mga guerrilla operations online kung saan ilan sa nga online sites ay nabura na rin.

Bukod sa pagbasura ng mga sites ay naka-focus din ang pulisya sa pag-alam sa pagkakakilanlan ng mga financiers at operators ng mga nasabing online illegal gambling platforms.

Kaugnay nito, hinimok ni Nartatez ang publiko partikular na ang mga netizen na makiisa sa nasabing kampanya sa pamamagitan ng pagbibigay impormasyon sa nasabing usapin pati na rin ang pagbibigay babala sa mga tauhan nito na huwag masangkot sa ganitong uri ng ilegal na aktibidad.

Facebook Comments