PNP, tiniyak na patuloy ang ginagawa nilang paghahanap kay Quiboloy

Tuloy-tuloy ang efforts ng Philippine National Police (PNP) sa paghahanap kay Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Pastor Apollo Quiboloy.

Ito ang tugon ng PNP sa naging pahayag ni Senator Risa Hontiveros na may failure of intelligence sa pambansang pulisya kaya hindi mahanap si Quiboloy.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, patuloy nilang bineberipika ang mga impormasyong natatanggap nila sa mga posibleng kinaroroonan ni Quiboloy.


Sa katunayan nito lamang April 15 ay may isang lugar na pinuntahan ang pulisya katuwang ang iba pang law enforcement agencies dahil sa umano’y namataan doon si Quiboloy.

Hindi rin aniya limitado lang sa Davao City ang paghahanap sa pastor.

Sinabi pa ni Fajardo na base sa pakikipagugnayan nila sa Bureau of Immigration (BI), nananatili pa ito sa Pilipinas.

Patuloy naman ang panawagan ng PNP sa pamilya at kaanak ni Quiboloy na lumubas at harapin na lamang ang kanyang kaso.

Facebook Comments