MANILA – Hindi magiging problema sa Philippine National Police (PNP) sakaling matuloy ang panukalang pahabain ang oras ng botohan sa darating na may Elections.Ayon kay PNP Spokesman Chief Supt. Wilben Mayor – lahat ng contingencies na may kinalaman sa halalan ay pinag-aralan ng PNP.Pero hindi na aniya sila magsasagawa ng paglilipat ng mga personnel at lahat ng mga nakatalaga sa isang area ay doon na magbabantay hanggang sa matapos ang eleksyon.Pagtitiyak naman ni Mayor – walang magiging problema kung seguridad ang pag-uusapan dahil may sapat na tauhan ang PNP sa panahon ng halalan.Maliban dito – sinabi pa ni Mayor na hindi rin papayagan na makauwi at hindi papayagan ang kanilang mga tauhan na iwan ang kanilang pwesto para matiyak na walang magiging aberya sa kanilang mga itinakdang lugar na babantayan sa eleksyon.Samantala, Muli namang nagpa-alala ang PNP sa kanilang mga tauhan na manatiling neutral at iwasang makisawsaw sa mga usaping may kaugnayan sa pulitika.
Pnp – Tiniyak Na Sapat Ang Kanilang Contingency Plan Sa May 9 Election
Facebook Comments