PNP, tiniyak sa un experts na sumusunod sila sa rule of law

Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na sumusunod sila sa rule of law at mga protocol sa lahat ng kanilang anti-illegal drugs operations.

Sagot ito ng PNP kasunod ng panawagang International Investigation ng UN Human Rights Experts sa umano’y “Unlawful Deaths” sa bansa dahil sa war on drugs.

Ayon kay PNP Chief Director General Oscar Albayalde, hindi nila kinukonsinte ang anumang maling gawain ng kanilang mga tauhan.


Tiniyak din ni Albayalde na kinakasuhan at sinisibak nila sa serbisyo ang mga pulis na napapatunayang lumalabag sa kanilang standard police procedures.

Sinang-ayunan naman ng PNP Chief ang posisyon ng Malacañang na isa itong panghihimasok sa soberanya ng Pilipinas.

Nauna na ring ibinasura ng Department of Foreign Affairs ang panawagang imbestigasyon ng UN Experts.

Facebook Comments