PNP, umaasang matatapos na ang problema sa droga sa pamumuno ng susunod na administrasyon

Inaasashan ng Philippine National Police (PNP) na tuluyan nang mawawakasan ang problema sa droga sa susunod na administrasyon.

Ayon kay PNP Director for Operations Police Major General Valeriano de Leon, na batay sa naging pahayag ni President-elect Bongbong Marcos, itutuloy ng kanyang administrasyon ang nasimulan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kampanya kontra droga.

Aniya, sa ngayon pa lang ay pinaghahandaan na ng PNP ang pinag-ibayong “war on drugs” sa pamamagitan ng pagpapalakas sa PNP- Drug Related Data Integration Generation System (DRDIGS) sa pangunguna ng Directorate for Operations.


Paliwanag ni De Leon ang DRDIGS ang magsisilbing digital library ng lahat ng impormasyon sa buong bansa tungkol sa kampanya kontra droga na kapag fully operational na ay makakapagbigay ng mas epektibong real-time management ng mga operasyon.

Kasama din aniya sa database ang pag-monitor ng rehabilitasyon ng mga drug users bilang bahagi ng demand-reduction strategy; na kasabay ng supply-reduction strategy ng paghahabol sa mga sindikato ng droga.

Facebook Comments