Cebu, Philippines – Umapela ang Philippine National Police sa publiko na iwasang magpakalat ng mga “unverified” na mga ulat sa pamamamagitan ng text message o social media tungkol sa Abu Sayyaf Group na magdudulot lang ng takot sa publiko.
Ginawa ni Lapulapu City Police Office Chief, Sr. Supt. Rommel Cabagnot ang kaniyang panawagan matapos magpanic ang mga residente sa Barangay Vicente sa isla ng Olango sa nasabing lungsod matapos kumalat ang ulat na may dalawang mga armadong lalaki na dumating isla noong isang araw .
Napag-alaman ng pulisya at militar na walang katotohanan ang kumalat na mga balita tungkol sa posibleng miyembro ng Abu Sayyaf na nakarating sa isla sa ginawang paghahanap ng kapulisan at militar sa nasabing lugar.
Facebook Comments